4th Quarter NSED, isinagawa sa Baco

December 11, 2025 | News by PISD

Matagumpay na isinagawa ang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Brgy. Pambisan, Baco, Oriental Mindoro noong 10 Disyembre 2025, sa pangunguna ng Office of Civil Defense (OCD) at ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamumuno ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na pinamumunuan ni Officer Vinscent B. Gahol, katuwang ang LGU Baco.

Sa naturang aktibidad, pinasalamatan ni Mayor Allan Roldan ang Pamahalaang Panlalawigan, PDRRMO, mga konsernadong ahensya, barangay officials ng Pambisan sa pamumuno ni Kapitan Alica Sanchez, at iba pang indibidwal na nakiisa sa pagsasagawa ng drill.

Nagsimula ang gawain sa sabayang pagpapatunog ng alarm na sinundan ng “duck, cover, and hold” ng mga mag-aaral sa Pambisan Elementary School at ng komunidad.

Pagkatapos nito ay isinagawa ang simulation exercises na nagpakita ng iba’t ibang sitwasyon matapos ang lindol gaya ng evacuation ng mga tao, pagbibigay ng first aid sa mga nasugatan, paghahanap sa mga nawawala, pag-apula ng sunog sa loob ng paaralan at ang mga proseso alinsunod sa Incident Command System.

Plake naman ng pagkilala sa kanilang pakikiisa ang iginawad ng PDRRMO at OCD sa LGU Baco, DILG, G.O.-PISD, PSWDO, DepEd at sa mga emergency responders tulad ng MDRRMO, PNP, BFP, MHU, 76th IB ng Phil. Army, Phil. Coast Guard at mga barangay official ng Pambisan sa kanilang naging aktibong partisipasyon upang maging matagumpay ang nabanggit na simulation exercise.

Sa pagtatapos ng aktibidad, iginawad ng PDRRMO ang plake ng pagkilala sa LGU Baco, DILG, DepEd, PSWDO, G.O.-P ISD, at sa mga emergency responders tulad ng MDRRMO, PNP, BFP, MHU, 76th IB ng Philippine Army, Philippine Coast Guard, at mga barangay officials ng Pambisan bilang pagkilala sa kanilang aktibong partisipasyon na nagbigay-daan sa matagumpay na pagsasagawa ng drill at simulation exercises.

#thecapitolnews

Scroll to Top