Regional Advisory Council ng RHPU MIMAROPA, nanumpa na

December 9, 2025 | News by PISD

Pormal na nanumpa sa kanilang mga tungkulin ang mga bagong halal na opisyal at kasapi ng Regional Advisory Council (RAC) ng Regional Highway Patrol Unit (RHPU) MIMAROPA sa Lungsod ng Calapan.

Pinangunahan ito ni Governor Humerlito “Bonz” A. Dolor.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng Advisory Council sa pagpapalakas ng ugnayan ng komunidad at kapulisan, lalo na sa pagsusulong ng kaligtasan sa kalsada at kaayusan sa lalawigan.

Pinangasiwaan ni PCOL Christian V. Dela Cruz, Regional Chief ng RHPU MIMAROPA habang Master of Ceremony sa programa si PCpl Angelbert R. Marasigan.

Pinamumunuan ang RAC ni Atty. Humilito A. Dolor bilang Chairperson, katuwang si Vice Mayor Alma C. Mirano bilang Vice Chairperson. Kasama rin sa mga opisyal sina Raymund D. Villa Del Rey (Secretary), PCOL Romeo R. Salvadora, MD (Ret.) (Treasurer), at Romeo G. Medina (Public Relations Officer).

Dumalo rin sa okasyon ang mga miyembro ng konseho na sina Fr. William B. Abas, Leonardo L. Pedraza, Michael William A. Uy, Deo Lopez, at Renel G. Medina.

#thecapitolnews

Scroll to Top