PHO, naghatid ng serbisyong pangkalusugan sa PDLs

December 9, 2025 | News by PISD

Nagsagawa ang Provincial Health Office (PHO) ngayong araw ng isang Medical Mission sa BJMP Calapan City bilang bahagi ng patuloy nitong layunin na maihatid ang de-kalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Bilang bahagi ng aktibidad, isinagawa ang pormal na turnover ng oxygen tank na handog ng ating Governor Bonz A. Dolor upang mapalakas ang kakayahan at kahandaan ng BJMP Calapan sa pagtugon sa mga pangangailangang medikal. Kabilang sa mga serbisyong ibinigay ng PHO ang Blood at Urine Screening, at Medical Check-Up na pinangunahan ni Dr. Jun Michael Bugarin.

Nagbigay din ang team ng health education para sa Mental Health at Non-Communicable Diseases, partikular na tumalakay sa Hypertension at Diabetes, upang mapataas ang kaalaman at pag-unawa ng mga PDL sa kanilang kalusugan.

Patuloy na ipinapakita ng Provincial Health Office ang suporta nito sa BJMP Calapan City sa pamamagitan ng paghahatid ng wastong impormasyon, medikal na atensyon, at mahahalagang kagamitang pangkalusugan para sa kapakanan at kabutihan ng mga PDL.

π‘«π’‚π’‰π’Šπ’ π’‚π’π’ˆ π’Œπ’‚π’π’–π’”π’–π’ˆπ’‚π’ π’π’ˆ π‘Άπ’“π’Šπ’†π’π’•π’‚π’ π‘΄π’Šπ’π’…π’π’“π’: π’€π’‚π’Žπ’‚π’ π’π’ˆ π‘©π’‚π’šπ’‚π’, π‘³π’‚π’Œπ’‚π’” π’π’ˆ π‘²π’Šπ’π’‚π’ƒπ’–π’Œπ’‚π’”π’‚π’!πŸ’š

#phoormin

#HealthyOrientalMindoro

Scroll to Top