December 6, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Nananatiling nakataas sa Signal No. 1 ang Southern portion ng Oriental Mindoro, partikular ang mga bayan ng Bulalacao, Mansalay, Roxas, at Bongabong dulot ng Bagyong #Wilma, ayon sa 2:00 PM Tropical Cyclone Bulletin NR. 15 ng DOST-PAGASA.
Inaasahang makararanas ng malalakas na pag-ulan ang mga nasabing bayan. Patuloy pa ring pinag-iingat ang lahat at manatiling nakaantabay para sa mga susunod na updates ukol sa bagyo.
