December 5, 2025 | News by PISD

Kasalukuyang isinasagawa ang National Reintegration Network Serbisyo Caravan ng Department of Migrant Workers (DMW) MIMAROPA, katuwang ang iba pang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
Tinatayang 800 Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa ibat-ibang lugar sa Oriental Mindoro, kasama ang kanilang mga pamilya, ang dumalo upang malaman ang iba’t ibang serbisyong maaaring matanggap mula sa DMW bilang bahagi ng mga pangunahing programang inilaan para sa kanila.
Sa inyong mga concern, direktang makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng DMW na nakabase sa Lungsod ng Calapan o kaya ay sa mga tanggapang malapit sa inyong lugar.
