LPA 12A, nakapasok na sa PAR

December 3, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Ayon sa 10:00 PM weather forecast na inilabas ng DOST-PAGASA ngayong ika-3 ng Disyembre, nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility ang mino-monitor na Low Pressure Area 12A at may layong 1,095 km mula sa silangang bahagi ng Southern Luzon as of 8:00 PM.

Mataas pa rin ang tyansa na maging bagyo ito sa susunod na 24 oras at maaaring magdulot ng mga biglaang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa sa mga darating na araw.

Manatiling nakaantabay para sa mga susunod na weather updates mula sa mga lehitimong social media accounts ng mga tagapag-ulat ng bagyo.

🖼️: DOST-PAGASA

Scroll to Top