December 3, 2025 | News by PISD

Mula sa update ng Ops Div Pdrrmo Ormin
BAGYONG ‘WILMA’, NABUO NA!
BREAKING: Nabuo na bilang bagyo ang sama ng panahon na nasa silangan ng Luzon at Visayas at pinangalanang bagyong #WilmaPH.
Inaabisuhan ang mga residente ng BicolRegion, EasternVisayas, MIMAROPA, WesternVisayas na maghanda sa posibleng pagdaan ng nasabing bagyo.
Papalakasin rin ng bagyong Wilma ang shear line na magdudulot ng maulang panahon sa MetroManila, Cagayan, Isabela, CALABARZON at silangang bahagi ng CentralLuzon.
DOST-PAGASA
