Mindoro, posibleng maapektuhan ng paparating na bagyo sa ikalawang linggo ng Disyembre

December 2, 2025 | News by PISD

𝗧𝗥𝗢𝗣𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗖𝗬𝗖𝗟𝗢𝗡𝗘 (𝗧𝗖)-𝗧𝗛𝗥𝗘𝗔𝗧 𝗣𝗢𝗧𝗘𝗡𝗧𝗜𝗔𝗟 𝗙𝗢𝗥𝗘𝗖𝗔𝗦𝗧

Date Issued: 02 December 2025

Validity: Valid within the forecast period, unless superseded by succeeding forecast.

Forecast Summary:

WEEK 1 (DECEMBER 02, 2025 – DECEMBER 08, 2025)

🔴 Sa kasalukuyan, nananatili sa loob ng kanlurang bahagi ng PAGASA Monitoring Domain (PMD) ang Bagyong KOTO (formerly “Verbena”).

🔴 Bukod pa rito, isang Tropical Clyclone-like Vortex (TCLV1) ang posibleng mabuo sa silangang bahagi ng Tropical Cyclone Advisory Domain (TCAD) at inaasahan na kikilos papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at tatahakin ang Dinagat – Visayas – Southern Luzon area.

🔴 Mataas na ang tyansa na ito ay mabuo bilang isang bagyo sa unang linggo ng forecast period (Week-1).

WEEK 2 (DECEMBER 09, 2025 – DECEMBER 15, 2025)

🔴 Para naman sa ikalawang linggo ng forecast period (Week-2), ang TCLV1 na ito ay tatahakin ang Mindoro – Northern Palawan area bago lumabas ng PAR at nananatiling mataas ang tyansa na ito ay mabuo bilang isang bagyo.

🔴 Dahil dito, nakataas ang TC Threat Potential sa loob ng forecast period.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang link na ito:

Gayunpaman, ang anumang mga pagbabago sa pagtaya na ito ay susubaybayan ng ahensya at ang mga updates tungkol dito ay ibibigay kung kinakailangan.

Bisitahin lang ang link na nasa baba para ma-access ang Rainfall Exceedance Probability Forecast ng ahensya. Nilalahad sa produktong ito kung saang lugar sa bansa ang maaaring makaranas ng malalakas na mga pagulan sa susunod na dalawang linggo.

❗𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢: Inaanyayahan ang publiko at mga Local Disaster Risk Reduction and Management Offices (LDRRMOs) na mag antabay sa mga susunod na updates ng ahensya dahil maaari pang magbago ang pagtaya o forecast na ito anumang oras.

Ang official forecast track ng mga nabuong bagyo ay mahahanap sa official social media pages at website ng ahensya.

Ang produktong ito ay ina-update tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes (MWF) o kung kinakailangan upang masiguro na ang forecasts na ini-issue ng ahensya ay updated.

Contact us: (02) 8284 0800 local 4921 / 4920 ; email: climps@pagasa.dost.gov.ph

PMD: PAGASA Monitoring Domain

PAR: Philippine Area of Responsibility

TCAD: Tropical Cyclone Advisory Domain

TCID: Tropical Cyclone Information Domain

TCLV: Tropical Cyclone-like Vortex

Scroll to Top