Mga mag-aaral sa OrMin., nakiisa sa kampanya kontra HIV at AIDS

December 2, 2025 | News by PISD

𝐌𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐫𝐚π₯ 𝐬𝐚 𝐎𝐫𝐌𝐒𝐧., 𝐧𝐚𝐀𝐒𝐒𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐀𝐚𝐦𝐩𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐀𝐨𝐧𝐭𝐫𝐚 π‡πˆπ• 𝐚𝐭 π€πˆπƒπ’

02 December 2025, Lungsod ng Calapan -Isang makabuluhang talakayan para sa mga kabataan na sumusuporta sa pagpapababa ng kaso ng Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) at Human immunodeficiency Virus (HIV) ang isinulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro (PGOM) ngayong araw bilang pakikiisa sa paggunita ng World AIDS Day.

Sa temang, , β€œπ‘Άπ’—π’†π’“π’„π’π’Žπ’Šπ’π’ˆ π‘«π’Šπ’”π’“π’–π’‘π’•π’Šπ’π’, π‘»π’“π’‚π’π’”π’‡π’π’“π’Žπ’Šπ’π’ˆ 𝒕𝒉𝒆 𝑨𝑰𝑫𝑺 𝑹𝒆𝒔𝒑𝒐𝒏𝒔𝒆. π‘Όπ’Žπ’‘π’Šπ’”π’‚π’‰π’‚π’ 𝒔𝒂 π‘·π’‚π’Žπ’Šπ’π’šπ’‚ π’‚π’π’ˆ 𝑳𝒂𝒃𝒂𝒏 𝑲𝒐𝒏𝒕𝒓𝒂 𝑯𝑰𝑽”, pinangunahan ang programa ng Provincial Health Office sa ilalim ng pangangasiwa ni PHO II Dr. Cielo Angela A. Ante.

Layunin ng gawain na maitaas ang kamalyan ng mga kabataan at makatulong sa pagpigil sa pagtaas ng kaso ng AIDS at HIV. Isa rin itong mahalagang hakbang upang maprotektahan sila sa panganib na maaaring idulot ng naturang sakit.

Naging pangunahing tagapagsalita sa programa si Dr. Robert Leonard C. Goco, kung saan kaniyang ibinahagi ang pinsalang hatid ng nakahahawang sakit at ang mabisang pamamaraan upang makaiwas dito.

Pinaalalahanan naman ni Gobernador Humerlito β€œBonz” A. Dolor ang mga kabataan na panatilihing abala ang sarili upang makaiwas sa mga risky o hindi ligtas na gawain at mapanatili ang kaligtasan laban sa infectious disease. Aniya pa, sa pamamagitan ng mas maayos na koordinasyon ng pamahalaan at mga pribadong sektor, higit na napaiigting ang paglaban kontra HIV at AIDS.

Pinangunahan din ng Gobernador ang ceremonial activity ng pagsasabit ng mga pulang laso bilang pagpapakita ng suporta sa kampanyang ito.

Nagbigay naman ng libreng HIV Testing ang PHO para sa mga dumalo, at nagkaroon ng patimpalak tulad ng mural-making contest ng walong kalahok mula sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan. Malalaman ang nagwagi rito sa ika-9 ng Disyembre.

Nagpakita ng suporta at pakikiisa ang Provincial Department of Health Office (PDHO) at DOH-MIMAROPA sa programa na dinaluhan ng mga mag-aaral sa sekondarya at kolehiyo mula sa mga paaralan ng Divine Word College of Calapan, City College of Calapan, Southwestern College of Maritime, Business and Technology Inc., Mindoro State University, Luna Goco Colleges, St. Anthony College of Calapan City Inc., Mina De Oro Institute, kasama ang Lingkod LGBTQIA+ Association of Calapan City, at ang Department of Education -SDO Oriental Mindoro.

Scroll to Top