December 3, 2025 | News by PISD

𝗚𝗿𝗲𝗲𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗳𝗲 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗙𝗮𝗰𝗶𝗹𝘁𝗶𝗶𝗲𝘀 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀, 𝗶𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗢𝗠𝗦𝗗𝗛 𝗮𝘁 𝗢𝗠𝗣𝗛
03 Disyembre 2025 – Natatanging pagkilala sa pagiging Green and Safe Health Facilities ang iginawad sa Oriental Mindoro Southern Hospital (OMSDH)at Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) ng Department of Health.
Unang puwesto ang nakuha ng OMSDH na pinamumunuan ni OMSDH Chief of Hospital Dr. Jocel C. Caranzo matapos makamit ang 4-star rating na katumbas ng “good practice” sa pagpapanatili ng malinis, maayos, at ligtas na mga pasilidad.
Samantala, nakamit naman ng OMPH na pinangangasiwaan ni OMPH-OIC Dr. Cielo Angela A. Ante ang 3-star rating na nangangahulugang above average ang pagpapatupad ng mga pamantayan upang maitiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga pasilidad para sa bawat pasyente.
Ang mga parangal na ito ay nagpapatunay ng patuloy na malasakit at dedikasyon ng pamunuan ng mga ospital sa lalawigan upang matiyak na nasa maayos na kalagayan ang mga pasilidad na ginagamit para sa bawat pasyente at naibibigay sa kanila ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.
Photo Courtesy: Dr. Cielo Angela Ante
