December 2, 2025 | News by PISD

![]()
𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡 𝗔𝗧 𝗦𝗨𝗡𝗗𝗜𝗡: Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) sa lahat ng Local Government Units (LGUs) na mahigpit na sumunod sa 𝙀𝙘𝙤𝙡𝙤𝙜𝙞𝙘𝙖𝙡 𝙎𝙤𝙡𝙞𝙙 𝙒𝙖𝙨𝙩𝙚 𝙈𝙖𝙣𝙖𝙜𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩 𝘼𝙘𝙩 𝙤𝙛 2000 (𝙍𝘼 9003) at sa 𝙋𝙝𝙞𝙡𝙞𝙥𝙥𝙞𝙣𝙚 𝘾𝙡𝙚𝙖𝙣 𝙒𝙖𝙩𝙚𝙧 𝘼𝙘𝙩 𝙤𝙛 2004 (𝙍𝘼 9275).
Binigyang-diin ng ahensya na ang pagsunod sa mga batas pangkalikasan na ito ay hindi magbabago, at dapat agarang maipatupad sa mga komunidad.
Sa ilalim ng RA 9275, ang LGUs ay inaatasan ding 𝗯𝘂𝗺𝘂𝗼 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝘁𝘂𝗽𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗹𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝘀𝗮 na kumokontrol sa wastong pagtatapon ng mga basura gaya na lamang ng pagbabawal sa pagtatapon ng mga basura sa mga sumusunod upang mapanatili ang malinis na tubig sa bawat komunidad:
𝗜𝗹𝗼𝗴;
𝗟𝗮𝘄𝗮;
𝗕𝗮𝘆𝗯𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴-𝗱𝗮𝗴𝗮𝘁 𝗮𝘁 𝗶𝗯𝗮 𝗽𝗮
Ang HINDI PAGSUNOD sa mga patakaran tulad ng maayos na pagpapatupad ng 𝙬𝙖𝙨𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙨𝙚𝙜𝙧𝙚𝙜𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙨𝙪𝙧𝙖, 𝙖𝙩 𝙞𝙡𝙚𝙜𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙩𝙖𝙩𝙖𝙥𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙬𝙖𝙨𝙩𝙚 𝙢𝙖𝙩𝙚𝙧𝙞𝙖𝙡𝙨 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙖𝙩𝙪𝙗𝙞𝙜𝙖𝙣 ay magreresulta sa AGARANG LEGAL NA AKSYON.
Upang matiyak ang pagpapatupad nito, magsasagawa ng regular monitoring ang Regional Office ng EMB upang masiguro na nasusunod sa bawat komunidad ang naturang mga batas.
Pasa sa iba pang mga detalye, bisitahin lamang ang Official Facebook page ng DENR: https://www.facebook.com/share/p/1CrLumExnw/
: Department of Environment and Natural Resources(DENR)
