DOST-PAGASA: LPA 12A, posibleng pumasok sa bansa at maging bagyo

December 2, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Patuloy na mino-monitor ang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Ayon sa ulat ng DOST-PAGASA ngayong araw, 5:00 AM, mataas ang tyansa na maging bagyo ang LPA 12A at magdala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa simula Biyernes.

Makikita sa larawan ang posibleng direksiyon ng paggalaw nito batay sa iba’t ibang weather forecast models:

⚫️Yellow – ACCESS (Australian Community Climate and Earth-System Simulator)

⚫️Pink – ICON (Icosahedral Non-hydrostatic)

⚫️Blue – GFS (Global Forecast System)

⚫️Orange – ECMWF (European Centre for Medium-Range Weather Forecasts)

Sa initial long range forecast, maaaring lumapit ito Southern Luzon, lalo na sa Bicol Region at posibleng magdulot ng mga pag-ulan sa Oriental Mindoro mula Linggo, ika-7 ng Disyembre.

PAUNAWA: Hindi pa ito ang final na track ng LPA 12A at may posibilidad na magbago pa ang direksiyon nito habang hindi pa ito pumapasok sa PAR.

Patuloy namang pinapaalalahanan ang publiko na maging alerto at handa sa posibleng mga pag-ulan sa mga darating na araw.

🖼️: DOST-PAGASA, PDRRMO

Scroll to Top