December 1, 2025 | News by PISD

𝐏𝐇𝐎, 𝐧𝐚𝐠𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲-𝐤𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐮𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐀𝐈𝐃𝐒 𝐚𝐭 𝐇𝐈𝐕
01 Disyembre 2025, Lungsod ng Calapan – Bilang paggunita sa World Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) Day ngayong araw, nagbigay-kaalaman ang Provincial Health Office (PHO) ukol sa AIDS at HIV na ginanap sa flag ceremony ng mga empleyado ng Kapitolyo sa Bulwagang Panlalawigan.
Sa pangunguna ni PHO II Dr. Cielo Angela Ante, binigyang-diin sa maikling diskusyon ang mga pinsala na maaaaring idulot ng mga naturang sakit sa katawan ng tao, at ang mga mahahalagang pamamaraan upang mapanatili ang kaligtasan laban dito.
Tinalakay rin ang mga mahahalagang programa ng Pamahalaang Panlalawigan na nangangalaga sa mga indibidwal na mayroong kaso nito, partikular ang Purple Rain Clinic na nagbibigay ng mga serbisyong tulad ng HIV Testing, Anti-Retroviral Theraphy, at STI/HIV Prevention.
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan lamang sa PHO Oriental Mindoro.
