December 1, 2025 | News by PISD

PAUNAWA SA PUBLIKO: Sa bisa ng Memorandum No. 43, Series of 2025 ng Provincial Administrator’s Office, at bilang pagpapakita ng mataas na paggalang sa watawat ng Pilipinas tuwing Flag Raising Ceremony, ipinatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan ang pansamantalang pagsasara ng mga gate sa loob ng Kapitolyo.
Muli pong binubuksan ang gate pagkatapos ng Flag Ceremony.
Para po sa kopya ng Memo, tingnan sa comment section.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
