November 30, 2025 | News by PISD

𝗔𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘀𝗸𝗼 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗼𝗹𝘆𝗼: 𝗦𝗮𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗗𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗯 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗺𝗮𝘀 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟱, 𝗣𝗼𝗿𝗺𝗮𝗹 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗶𝗻𝘂𝗸𝘀𝗮𝗻
30 Nobyembre 2025, Lungsod ng Calapan – Sa makulay at maingay na Fireworks Display, opisyal nang binuksan ang Salong Dagitab 2025 Christmas Lantern Festival sa Kapitolyo ngayong gabi, sa pangunguna nina Governor Bonz Dolor at Vice Governor Jojo Perez Jr.
“Tuloy ang Pasko sa Kapitolyo,” sa hudyat ni Governor Dolor, nagliwanag ang himpapawid ng Kapitolyo sa sari-saring kulay ng fireworks kasunod ng sabay-sabay na pagbubukas ng nagniningning na ilaw at naggagandahang disenyo ng Christmas Lantern Festival exhibits.
Bawat cluster ay naghatid din ng kani-kanilang natatanging pagtatanghal para sa mga manonood.
Mga kilalang personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang bumuo ng mga hurado para sa First Daylight and Night Judging. Mas pinasigla pa ng concert ang gabi, na nagbigay-aliw sa mga mamamayang dumalo.
Abangan sa ika-19 ng Disyembre ang Second Phase at Final Judging Night ng taunang kumpetisyon.
Bukas at libre ang Salong Dagitab 2025 gabi-gabi para magbigay-saya sa lahat ng mga bisita at ng kakaibang ganda at liwanag sa Kapitolyo.
