November 28, 2025 | News by PISD

๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ถ๐ป๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐๐ต๐ถ๐น๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ปโ๐ ๐ ๐ผ๐ป๐๐ต, ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด
28 Nobyembre 2025, Lungsod ng Calapan – Matagumpay ang pagdiriwang ng 33rd National Childrenโs Month sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa Bulwagang Panlalawigan ng Kapitolyo.
Sumentro ito sa temang โOnline Sexual Abuse or Exploitation of Childrenโ Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (OSAEC-CSSAEM) Wakasan, Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglabanโ.
Pasasalamat sa mga dumalo at panawagan para sa mas aktibong pakikilahok ng komunidad sa pangangalaga sa mga kabataan ang mensahe ni PSWD Officer Zarah C. Magboo.
Dinaluhan ang okasyon ng mga bata, magulang, Child Development Workers mula sa ibaโt ibang bayan ng lalawigan.
Sa gawain, tinalakay ni Provincial Gender and Development (GAD) Technical Working Group (TWG) Chairperson at OIC-PGSO Atty. Jean Phebie De Mesa ang mga nilalaman ng Republic Act No. 11930, ang batas na may la tuning sugpuin ang online sexual abuse o exploitation ng mga bata. Ipinaliwanag niya ang mahahalagang probisyon ng batas at kung paano maaaring makatulong ang bawat mamamayan upang maprotektahan ang mga kabataan laban sa digital o online abuse o exploitation.
Bahagi rin ng programa ang singing competition at draw and tell na pinagbibidahan ng mga bibong bata na nagmula sa ibaโt ibang bayan. Nasungkit pareho ng bayan ng Pola ang kampeonato.
Dumalo rin sa programa si Sangguniang Panlalawigan Board Member Bong Brucal, na nagpaabot ng kanyang mensahe ng suporta at pinuri ang mga inisyatiba ng PSWDO upang tiyakin ang ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga bata.
