November 28, 2025 | News by PISD

KAYA, KUNG SAMA-SAMA!
Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Naujan, nagtakda ang Local Price Coordinating Council ng tama at unipormeng presyo ng karneng baboy sa pamilihan. Tiniyak nito ang pagkakaroon ng mura at sariwang karneng baboy para sa mga mamimili. Malaking tulong ito hindi lamang sa mga konsumer, kundi pati na rin sa mga mag-aalaga ng baboy, dahil ang patas at abot-kayang presyo ay nagdudulot ng mas mataas na pagtangkilik ng publiko.
Ang kasunduang ito ay bunga ng pagtutulungan ng Naujan Hog Raisers Agriculture Cooperative (NaHogCo), Municipal Agriculture Office, at samahan ng mga magtitinda. Naglagay din sila ng mga Kadiwa Booths sa mga pamilihan na sinusuplayan ng NaHogCo, kung saan makakabili ng karneng baboy sa mas murang halaga.
Batay sa price monitoring ng Provincial Veterinary Office, ang mga sumusunod ay ang presyo ng bagong katay na karne (per kilo) gayundin ng imported frozen na karne:
Laman : Php 330- 350
Ribs : Php 320-330
Ulo : Php 230
Pata : Php 320-330
Laman-loob : Php 220
Atay : Php 360-370
Imported Frozen:
Php 168.00-Php 384.00 depende sa cut/parte
Ang malaking hakbang na ito ay patunay na mahirap man sa simula, sa bayang nagkakaisa walang hindi magagawa.
