Pailaw ng SP, bukas na sa publiko

November 27, 2025 | News by PISD

๐—ฃ๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฃ, ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ผ

27 Nobyembre 2025, Lungsod ng Calapan – Nagsimula nang magliwanag ang gusali ng Sangguniang Panlalawigan kaninang 6:50 ng gabi, ika-27 ng Nobyembre sa pormal na pagbubukas ng kanilang inihandang pailaw ngayong taon.

Nakasentro ang mga disenyo ng Salong Dagitab ngayong taon sa temang Christmas Lantern Festival na kung saan maaaring dayuhin gabi-gabi.

Bukod sa inihandang mga pailaw, pinangunahan din ni Bise Gobernador Antonio CA Jojo S. Perez Jr. ang pamamahagi ng mga pamaskong regalo sa mga bata katuwang ang mga Board Member mula sa Una at Ikalwang Distrito. Mayroon ding libreng ice cream, ice scramble at cotton candy na ipinamahagi sa lahat ng mga dumalo sa mahalagang gawain.

Samantala, sa ika-30 ng Nobyembre, magniningning na rin ang Kapitolyo sa pagbubukas ng pailaw dito na kung saan kaabang-abang ang siyam (9) na naggagandahang boots na magtatampok ng ipinagmamalaking Lantern Festival sa ibaโ€™t ibang bansa.

Ito ang magsisilbing hudyat ng masayang pagsalubong ng sambayanang Mindoreรฑo sa nalalapit na kapaskuhan at magsisilbing tanglaw ng bagong pag-asa sa gitna ng mga hamon at pagsubok na dumarating sa buhay.

#TheCapitolNews

Scroll to Top