39 Seminarians ng Saint Augustine Seminary, nag-abot ng pagbati kay Gov. Bonz sa kaniyang kaarawan

November 27, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Taus-pusong panalangin ang natanggap na regalo ni Gobernador Humerlito “Bonz” A.Dolor mula sa 39 na Seminarians ng Saint Augustine Seminary.

Sinadya mismo ng mga ito na puntahan ang Gobernador sa Kapitolyo upang mabati sa kanyang kaarawan na kanyang ipinagdiwang noong nakaraang ika-27 ng Nobyembre.

Ngunit bukod sa pagbati, inalayan din nila ng panalangin sa Panginoon upang magsilbing gabay ng Punong lalawigan sa kanyang maka-Diyos at makata-taong pamumuno sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ikinatuwa naman ni Gobernador Dolor lalo pa’t malapit ang puso niya sa mga ito dahil naging isang seminarian din siya noong araw.

Scroll to Top