PDRRMO, umagapay sa mga mananakay na hindi makatawid dahil sa baha sa Victoria

November 26, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Dahil sa taas ng tubig baha, minabuti ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pangunguna ni PDRRM Officer Vinscent Gahol na agapayan ang mga mananakay na hindi makaliban sa may bahagi ng Curva, Naujan hanggang Mabini, Victoria ngayong ika-26 ng Nobyembre.

Nakipag-ugnayan naman ang PDRRMO sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa deployment ng kanilang dump trucks na mag-standby kung sakaling may mga pasahero na kinakailangang lumiban sa binabahang kalsada sa bayan ng Naujan at Victoria.

Naging katuwang naman sa pagpapadaloy ng trapiko sa lugar ang mga kawani ng MDRRMO Naujan at Victoria.

Bukod dito, inalam din ng grupo ng PDRRMO ang status ng mga residente sa Barangay Mabini at Bagumbuhay, Victoria na naiulat na may mga humingi ng tulong para ma-rescue noong kasagsagan ng lakas ng ulan na nagdulot ng pagbaha sa lugar.

🖼️: Ops Div Pdrrmo Ormin

Scroll to Top