November 26, 2025 | News by PISD

๐ฃ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ถ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ธ๐๐ป๐ฎ, ๐บ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ถ๐ด๐๐ถ๐ป๐ด
26 Nobyembre 2025, Lungsod ng Calapan – Mas pinalakas na pwersa ng Public Information Officers (PIOs) ng pamahalaan sa panahon ng mga kalamidad at sakuna ang binigyang-diin sa MIMAROPA and Oriental Mindoro Communicators Conference na ginanap sa Tamarraw Hall ng Provincial Capitol sa Lungsod ng Calapan ngayong araw.
Sa temang โFrontline Communicators: Empowering Information Officers for Resilient Communitiesโ, pinangunahan ang programa ng Philippine Information Agency (PIA) MIMAROPA, sa pamumuno ni Regional Director Jemin Guillermo, na layuning higit pang paigtingin ang kooperasyon ng PIOs ng mga lokal at nasyunal na ahensya ng pamahalaan sa rehiyon at lalawigan ng Oriental Mindoro, at mas palalimin ang kanilang kaalaman sa pagbibigay ng mabilis at komprehensibong impormasyon sa mga mamamayan sa panahon ng mga kalamidad at sakuna.
Dito, tinalakay nina PIO Glory Balegan ng Office of Civil Defense (OCD) MIMAROPA at Information Center Manager Paul Jaysent Fos ng PIA Romblon ang mahahalagang gampanin ng PIOs bilang tagapag-ulat ng mahahalagang anunsyo para sa kahandaan ng publiko sa maagap na disaster response, gayundin ang mga epektibong estratehiya upang higit na mapahusay ang pag-uulat bago, habang, at pagkatapos ng bagyo o anumang sakuna, at iba pa.
Bago matapos ang programa, nagsagawa ng Open Forum ang mga dumalo, kung saan nakapagbahagi ang bawat isa ng kani-kanilang mungkahi upang higit pang mapagtibay ang pagtutulungan ng mga ahensya bilang mga pangunahing pinagkukunan ng impormasyon, at higit pang mapahusay ang kalidad at pagiging epektibo ng paghahatid ng ulat sa publiko gamit ang teknolohiya at ibaโt ibang social media platforms.
