Pagbaha, naranasan sa Baco dahil sa Bagyong Verbena

November 26, 2025 | News by PISD

#VerbenaPH | Mga larawang kuha sa Bayan ng Baco mula umaga hanggang hapon, Nobyembre 26, 2025.

Dulot ng malakas na pag-ulan at patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa mga kailugan nitong nagdaang gabi, nagkaroon ng matinding pagbaha sa ilang barangay sa Bayan ng Baco kaninang umaga.

Matapos alisin ang Tropical Cyclone Wind Signal sa lalawigan, unti-unti nang humupa ang baha sa ilang barangay bandang pahapon ngunit nag-iwan ng mga putik sa mga apektadong lugar.

Patuloy ang monitoring at pagtugon ng lokal na pamahalaan, katuwang ang mga kinauukulang ahensya, upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan.

#SerbisyongTapat#SerbisyongLapat

#SerbisyoParaSaLahat#BacoPIO

Scroll to Top