Mga residente sa Naujan na apektado ng baha, inilikas

November 26, 2025 | News by PISD

Dahil sa walang humpay na pag-ulan mula kahapon hanggang ngayong araw, November 26, 2025, nagsagawa ng paglikas ang MDRRMO Naujan, katuwang ang ilang National Agencies, para sa mga pamilya at residenteng naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Barangay Malinao, Naujan.

Agad na inihatid ang mga evacuees sa itinalagang safe area upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Patuloy ang pagtugon at pag-alalay para sa kapakanan ng bawat NaujeƱo.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02G7D3TdAiAWWXUG28kq7dd79cgY6eikVnNi1VQZg9r7rvUTsEsPU8A1mBsdTx8Wnel?rdid=0LUw73jpVaOlcuyA#

Scroll to Top