BASAHIN: Executive Order No. 49, Series of 2025

November 26, 2025 | News by PISD

BASAHIN: Executive Order No. 49, Series of 2025 kaugnay sa suspensyon ng klase at trabaho sa lalawigan ng Oriental Mindoro ngayong Miyerkules, 26 Nobyembre 2025 na nilagdaan ni Acting Governor Atty. Antonio S. Perez, Jr.

⚠️WALANG PASOK ngayon, Miyerkules, ika-26 ng Nobyembre sa LAHAT ng ANTAS sa mga pampubliko at pribadong paaralan mula pre-elementary hanggang kolehiyo.

⚠️WALANG PANGKALAHATANG SUSPENSYON NG TRABAHO sa Oriental Mindoro.

⚠️Ituturing na EXCUSED sa trabaho ngayon, 26 Nobyembre 2025, ang mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan kung:

✅Kasama ang kanilang lugar o rutang dinaraanan sa opisyal na listahan ng mga binaha, ayon sa ulat ng PDRRMO o kanilang lokal na pamahalaan; at

✅Kailangang ipaalam ng empleyado ang kanilang sitwasyon sa kanilang immediate supervisor bago ang pagsisimula ng trabaho.

⚠️Nananatiling desisyon ng Head o Administrator ng mga pribadong institusyon, pambansang ahensya o higher education institutions ang suspensyon ng kani-kanilang trabaho.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02VUP6cAH1jTRu5nDPT6Tu6HtzGbhfadPvsPFWaCdzHgMRFcbRu6VYTjU9PdgkZ4Cgl?rdid=qlPOspcEtsYQJ7IH#

Scroll to Top