Bacoeno, nakatanggap ng tulong matapos mapinsala ng Bagyong Verbena

November 26, 2025 | News by PISD

#VerbenaPH | Kanina, sa kabila ng masamang panahon, personal na nagtungo si Mayor Allan A. Roldan kasama ang mga Konsehal ng Bayan sa mga barangay na lubhang naapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng Bagyong Verbena mula umaga hanggang hapon, Nobyembre 26, 2025.

Bitbit ang malasakit, naghatid sila ng pagkain sa bawat barangay hall na maabot ng sasakyan, sa kabila ng banta ng mataaas na lebel ng tubig dulot ng pagbaha, upang matiyak na may pagkain ang ating mga kababayang pansamantalang lumikas at nasa evacuation centers.

Maghapon silang sumuong sa baha at masamang panahon, ramdam ang bigat ng sitwasyon ngunit hindi kailanman umatras. Hindi alintana ang pagod bagkus prayoridad ang kaligtasan at kapakanan ng mga apektadong mamamayan.

Kasama ang MDRRMO, BFP, at PCG, at katuwang ang iba pang tanggapan gaya ng Mayor’s Extension Office at MSWDO, ipinakita ng ating lokal na pamahalaan na ang serbisyo ay may puso, at ang pagdamay ay hindi hinihintay—ito’y mismong inihahatid.

Maraming salamat sa mga naging bahagi ng tunay at tapat na pagmamalasakit. Ang inyong sakripisyo ay liwanag sa gitna ng unos. Buong pusong sumasaludo sa inyong malasakit at serbisyong hindi matatawaran.

Patuloy na maglilingkod sa bayan para sa mamamayan!

#NaglilingkodSaBayanParaSaMamamayan

#TatakARyan#MayorAllanRoldan#TeamAlwaysReady2025

Scroll to Top