104 indibidwal sa evacuation center, nakatanggap ng hot meals mula sa PGOM

November 26, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Bilang kagyat na tulong ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga naapektuhan ng Tropical Depression #VerbenaPH, namahagi ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na pinamumunuan ni PSWD Officer Zarah C. Magboo ng hot meals ngayong ika-26 ng Nobyembre sa mga lumikas sa Barangay Sta. Rita sa Lungsod ng Calapan.

Umabot sa 104 na indibidwal mula sa 17 pamilyang naiwan ngayong araw sa evacuation center ang nahatiran ng tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Naging kaagapay din sa pamamahagi ang mga kawani ng PDRRMO.

Patuloy ang pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan na makapag-abot ng agarang tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha bunsod ng tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulang dala ng pinagsamang bagyo at shear line.

🖼️: PSWDO

Scroll to Top