November 25, 2025 | News by PISD

Sa 23-29 ng Nobyembre 2025, ipinagdiriwang natin ang Population and Development (POPDEV) Week na may temang “Tao ang Puso ng Pag-unlad.” Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ay nakikiisa sa gawaing nagsusulong ng mga programang nakatuon sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay, pagpapatatag ng pamilya, at pagtiyak na ang bawat Mindoreño ay may pantay na oportunidad sa pagtatamasa ng kaunlaran.
