Pasok ng mga estudyante sa lahat ng antas ng paaralan, suspendido dahil sa Bagyong Verbena

November 54, 2025 | News by PISD

SUSPENDIDO ANG PASOK SA MGA PAARALAN MULA PRE-ELEMENTARY HANGGANG KOLEHIYO SA BUONG LALAWIGAN BUKAS, IKA-25 NG NOBYEMBRE 2025.

Ito po ay ayon sa naging pahayag ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Chairman at Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor.

Kasama po ang buong lalawigan ng Oriental Mindoro sa nakataas sa Orange Rainfall Warning ng DOST-PAGASA sa kanilang ulat kaninang 8:00 ng gabi, ika-24 ng Nobyembre kung kaya’t asahan po ang malakas ng pag-ulan sa ating lalawigan hanggang bukas. Dulot pa rin po ito ng Tropical Depression #VerbenaPH.

Pinapayuhan po na maagang lumikas ang mga nasa mabababang lugar na karaniwang binabaha kapag may sama ng panahon.

Mag-ingat po tayong lahat at umantabay sa ulat panahon.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0XCdtcxk5j7AWYwwzAVHjDhw3FfJT9YVLhDXY6Aeosv5hoeUXLUPY4EPzGhnBdSrjl?rdid=uh1kJykV1WPmXWb3#

Scroll to Top