November 25, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Ayon sa 6:00 PM General Flood Advisory #4 na inilabas ng DOST-PAGASA ngayong ika-25 ng Nobyembre, posibleng magkaroon ng pagtaas sa lebel ng tubig ng mga pangunahing ilog sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
Ang mga residente na nakatira malapit sa mga nabanggit na ilog o gilid ng bundok, gayundin ang concerned Local Disasters Risk Reduction Management Councils ay pinapaalalahanang maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
