18-Day Campaign to End Violence Against Women, nagsimula na

November 25, 2025 | News by PISD

Sa bisa ng Republic Act No. 10398, nakikiisa ang Provincial Government of Oriental Mindoro (PGOM) sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women na opisyal nang nagsimula ngayong araw, ika-25 ng Nobyembre hanggang ika-12 ng Disyembre.

Kasama nyo ang PGOM sa pagbibigay ng kaalaman na higit pang poprotekta at mangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan upang matiyak ang mas ligtas na kapaligiran para sa kanila.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa, sama-sama tayong manindigan at isulong ang kampanya upang wakasan ang karahasan sa mga kababaihan.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02trSfTTBTTWFzB7bDU8cX25JrW1E1ie8QtqzFx8FrcEiQaPsP8Xvyrhbci3GNpyPBl?rdid=GpVwC5bSM1DPGrGR#

Scroll to Top