Mangyan Literacy Program sa Oriental Mindoro, isinagawa

November 23, 2025 | News by PISD

Sinimulan na ngayong Nobyembre 23 ang Mangyan Literacy Program sa Oriental Mindoro Heritage and Cultural Center (OMHCC) sa pangunguna ni Eping Mayot, Gawad Pamana sa Sining at Kultura awardee at OMHCC focal person.

Tatlumpu’t dalawang (32) Hanunuo Mangyan ang kasalukuyang lumalahok sa programa bilang bahagi ng pagpapalawak ng kanilang kaalaman at pagpapatibay ng pagpapahalaga sa sariling kultura at tradisyon. Ang OMHCC ang nagsisilbing tahanan at sentrong daluyan ng paglinang ng kulturang Oriental Mindoreño.

Isinasagawa ang klase tuwing Linggo, mula 3:00-4:00 pm, upang mabigyang-daan ang mga kabataang estudyante at maging ang mga nakatatanda at may pamilya na makadalo at makinabang sa programang pang-edukasyon at pangkultura.

#TravelOrientalMindoro#PamanaAtKulturangOrientalMindoreño

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0224HGfcR99nbY67UWB7tEBf9V44K5f2UdYWVap1Vhm6QofdfKMf6PkaSjp89YV3tkl?rdid=et2R81LIQGOIa3al#

Scroll to Top