November 21, 2025 | News by PISD

MAGING HANDA SA MATITINDING PAG-ULAN DULOT NG POTENSYAL NA BAGYONG ‘VERBENA’ AT SHEAR LINE ![]()
![]()
![]()
Malawakang pag-ulan ang inaasahan sa malaking bahagi ng bansa partikular sa Visayas, NorthernMindanao, CARAGA, at MIMAROPA dahil sa posibleng pagdaan ng bagyong tatawaging VerbenaPH mula Lunes hanggang Martes (Nov. 24–25).
Matitinding pag-ulan din ang posibleng maranasan sa BicolRegion, CALABARZON, MetroManila, CagayanValley at ilang bahagi ng CentralLuzon dahil sa pag-iral ng ShearLine na higit pang palalakasin ng naturang bagyo.
Pinapayuhan ang mga kababayan sa mga nabanggit na lugar na maghanda sa posibleng epekto, kabilang ang biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.
