P2.258M halaga ng binhi ng palay at sibuyas, ipinamahagi sa mga magsasaka ng Oriental Mindoro

November 17, 2025 | News by PISD

๐—ฃ๐Ÿฎ.๐Ÿฎ๐Ÿฑ๐Ÿด๐—  ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ต๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ถ๐—ฏ๐˜‚๐˜†๐—ฎ๐˜€ ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ

20 November 2025, Victoriaโ€“ Umabot sa P2.258M halaga ng binhi ng palay at sibuyas ang handog ng Pamahalaang Panlalawigan sa Farmers Cooperatives and Associations (FCAs) sa ibaโ€™t ibang bayan ng Oriental Mindoro na ginanap sa Demo Farm, Merit, Victoria.

Katuwang ang Provincial Agriculturistโ€™s Office (PAgO) na pinamumunuan ni Provincial Agriculturist Christine M. Pine, personal na pinangunahan ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor at Bise Gobernador Jojo S. Perez Jr., ang pamamahagi ng mga binhi.

Umabot sa 960 sako ng certified at registered rice seeds na nagkakahalaga ng Php1,748,000.00 ang naipamahagi sa siyam (9) na FCAs mula sa pitong (7) bayan sa lalawigan.

Nasa 159 bags naman ng binhi ng pula at puting sibuyas na nagkakahalaga ng Php510,000.00 ang ibinigay sa 22 FCAs sa Bulalacao.

Layunin ng inisyatibang ito na bigyang-tulong ang mga magsasaka na maiangat ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng binhi na makababawas sa kanilang gastusin.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02LALQ2ZGsugJzpDdWyNqAeD2iUTthK2QVi8aPRPw5MNifnPj27iBuwvH14Y1nWq2yl?rdid=XmPaWnFDa9f2UDcv#

Scroll to Top