November 20, 2025 | News by PISD

๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ผ, ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐-๐๐๐๐ฃ ๐๐ฒ๐๐ ๐๐บ๐ฝ๐น๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ
20 Nobyembre 2025, Victoria – Pinarangalan ang lalawigan ng Oriental Mindoro ng Task Force Balik-Loob (TFBL) ng Department of National Defense bilang Best Implementer ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Tinanggap ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor at Vice Governor Jojo S. Perez Jr. ang nasabing parangal na sumisimbolo sa epektibong pagpapatupad ng Pamahalaang Panlalawigan ng mga programa at proyektong higit pang nagpapalawig sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lalawigan.
Personal namang sinaksihan ng Philippine Army ang gawain sa pangunguna ni Colonel Eric D. Guevarra, Deputy Brigade Commander of the 203rd Infantry Brigade.
Abangan ang mga opisyal na larawan.
