Mas mabilis na serbisyo ng DFA, hatid ng passport on wheels

November 17, 2025 | News by PISD

๐™ˆ๐˜ผ๐™Ž ๐™ˆ๐˜ผ๐˜ฝ๐™„๐™‡๐™„๐™Ž ๐™‰๐˜ผ ๐™Ž๐™€๐™๐˜ฝ๐™„๐™Ž๐™”๐™Š ๐™‰๐™‚ ๐˜ฟ๐™๐˜ผ, ๐™ƒ๐˜ผ๐™๐™„๐˜ฟ ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™Ž๐™Ž๐™‹๐™Š๐™๐™ ๐™Š๐™‰ ๐™’๐™ƒ๐™€๐™€๐™‡๐™Ž

20 ๐˜•๐˜ฐ๐˜ฃ๐˜บ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ฆ 2025, ๐˜“๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜Š๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ – Isinagawa ngayon ang unang araw ng Passport on Wheels sa Citi Mall na layong mailapit ang mga serbisyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Oriental Mindoreรฑo.

Sa dalawang araw na aktibidad, target ang 993 aplikante mula sa ibaโ€™t ibang panig ng lalawigan para sa passport application at renewal services.

Pinangunahan ng Provincial Public Employment Services Office (PPESO) ang aktibidad.

Naging katuwang din sa gawain ang City Civil Registry Department (CRRD) ng Lungsod ng Calapan kaugnay sa mga dokumentong kailangan ng mga taga-Calapan.

Itiniyak naman ang kaligtasan ng mga aplikante sa pamamagitan ng kawani ng PDRRMO na nakaantabay sa mga pangangailangang medikal ng mga ito.

Ang taunang mobile passporting ay naglalayong maibsan ang gastusin at hirap ng publiko, lalo na ng mga nangangailangang kagyat na makakuha ng pasaporte para sa trabaho, pag-aaral, o personal na paglalakbay.

#thecapitolnews

Source: http://facebook.com/orminpio/posts/pfbid02cpBwYx9gQXiS3jkqLkiTzSvtZkL8iUKTnfYYQdqPcYcrHczFiLRN6awRH97whQGyl?rdid=Y4apA7oBhz2sf7xl#

Scroll to Top