Ikawalong Cycle ng Fisheries Seasonal Closure sa Oriental Mindoro, sinimulan na

November 20, 2025 | News by PISD

MAHALAGANG ANUNSYO:

Sinimulan na ang -ika-8 Cycle ng Fisheries Seasonal Closure sa Oriental Mindoro na bahagi ng programang “Pahingang Pangisdaan 2025–2026: Para sa Ligtas at Masaganang Pangisdaan.”

Ipinatupad na ito simula noong Nobyembre 15, 2025 at tatagal hanggang Enero 15, 2026, na taun-taong isinasagawa sa parehong panahon.

Layunin nitong protektahan ang mga isda sa panahon ng kanilang pangingitlog at paglaki upang mapanatili ang balanse sa ecosytem at matiyak ang patuloy na kabuhayan ng mga mangingisda.

Ito ay nakabatay sa Philippine Fisheries Code (RA 8550, amended by RA 10654), na nagbibigay-kapangyarihan sa pamahalaan na magpatupad ng seasonal closure. Itinatadhana ng batas ang paglalagay ng mga conservation measures, pag-regulate sa pangingisda, at pagsasagawa ng monitoring at enforcement upang mapanatili ang yamang-dagat at ang kabuhayan ng mga mangingisda.

Saklaw ng pansamantalang paghihinto ang komersyal na pangingisda ng small pelagic species, habang nananatiling pinahihintulutan ang municipal o subsistence fishing sa loob ng municipal waters.

Magkatuwang na magbabantay ang LGU, BFAR, at mga maritime law enforcement agencies upang masigurong nasusunod ang mga alituntunin sa panahon ng closed season. Tandaan, na “Dagat ay Buhay – ating pangalagaan para sa kinabukasan.”

#thecapitolnews

📸Provincial Agriculturist’s Office – Oriental Mindoro

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0mSbF2oFBdNfkXZpntxSb1KYav99eLMMrDd1ZfKzbpQpn8DzfhmGi4eHV7x7n5P1Yl?rdid=11YCPXukjMSUiAqr#

Scroll to Top