November 19, 2025 | News by PISD

๐ฃ๐ข๐ฃ๐ฆ ๐ฃ๐น๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ-๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ด ๐ฃ๐น๐ฎ๐ป๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐๐ต๐ผ๐ฝ ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ก๐ฎ๐ถ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ
19 Nobyembre 2025, Lungsod ng Calapan โ Sa ikalawang araw ng Planning Workshop para sa Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan 2026โ2028, tinalakay ng mga kalahok mula sa Provincial Planning and Development Office, Department of the Interior and Local Government, at POPS Technical Working Group ang mas detalyadong proseso sa pagbuo ng nabanggit na dokumento.
Kabilang dito ang activity at strategy matrices, pag-uugnay ng mga proyekto at serbisyo, at pagtukoy sa kinakailangang pondo upang epektibong maisakatuparan ang POPS Plan.
Gayundin, nagkaroon ng presentasyon ng output at ways forward ang mga kalahok upang maitiyak ang pagkakahanay ng plano sa aktuwal na pangangailangan ng lalawigan, at mas maging komprehensibo ang direksyong tatahakin para sa seguridad at kaayusan ng Oriental Mindoro sa susunod na tatlong taon.
Sa pagtatapos ng dalawang araw na workshop, muling pinagtibay ng mga kalahok ang kanilang pangako na patuloy na mapabuti ang mga polisiya, programa, at serbisyong magtataguyod ng ligtas at mapayapang lalawigan para sa lahat ng Mindoreรฑo.
