November 19, 2025 | News by PISD

๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐๐ฏ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ข๐ฟ. ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ผ ๐ฃ๐ฒ๐ผ๐ฝ๐น๐ฒโ๐ ๐๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐น, ๐๐๐ถ๐ป๐๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป
19 Nobyembre 2025, Lungsod ng Calapan – Pinaghahandaan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang pagbubuo ng Peopleโs Council na layong palakasin ang partisipasyon ng mamamayan sa mga usaping panlipunan at pampamahalaan.
Isa ito sa mga naging paksa sa Joint Organizational Meeting ng Civil Society Organizations (CSOs) na ginanap sa Tamaraw Hall ng Kapitolyo, Calapan City, ika-19 ng Nobyembre.
Ang naturang konseho ay magsisilbing bukas na plataporma para sa ibaโt ibang sektor ng lipunanโkabataan, kababaihan, magsasaka, mangingisda, manggagawa, senior citizens, at iba pang organisasyonโupang maiparating ang kanilang tinig at makilahok sa paggawa ng mahahalagang desisyon para sa lalawigan.
Sa pagpupulong, binigyang-diin ni Provincial CSO Desk Officer Atty. Jean Phebie G. De Mesa ang kahalagahan ng kolektibong pagkilos upang tugunan ang mga pangunahing isyu sa Oriental Mindoro gaya ng seguridad sa pagkain, pangangalaga sa kalikasan, edukasyon, at kabuhayan. Ang Peopleโs Council ay inaasahang magiging katuwang ng pamahalaang lokal sa pagbibigay ng rekomendasyon, pagsusuri, at pagsubaybay sa mga proyekto at programang nakatuon sa kapakanan ng mamamayan.
Bukod dito, tinalakay rin ang kahalagahan ng local special bodies (LSB) tulad ng Provincial Development Council, Health Board, School Board, at Peace and Order Council, at ang pagtatalaga ng mga kinatawan mula sa CSOs upang masiguro ang mas malawak na representasyon sa mga desisyon ng pamahalaan.
Sa ngalan ni Gobernador Humerlito โBonzโ Dolor, ipinaabot ni Chief of Staff Maria Nenita DC. Dalupan ang pasasalamat sa mahalagang ambag ng mga CSO upang matiyak na ang mga programa at proyektong ipinatutupad ay tunay na tumutugon sa pangangailangan ng bawat sektor.
Dinaluhan ang naturang gawain ng mga opisyal at kinatawan ng 53 CSOs na may akreditasyon mula sa Sangguniang Panlalawigan.
