November 17, 2025 | News by PISD

Dalawang (2) araw na lang, opisyal nang bubuksan ang Salong Dagitab 2025!
Puspusan na ang mga paghahanda sa loob ng Kapitolyo para sa iba’t ibang Christmas Lantern Festival ng bawat cluster na kinabibilangan ng mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan at ng pribadong sektor.
PAUNAWA: Hindi na po makakalahok ang Giant Lantern Festival (Pampanga) bilang official 2025 Salong Dagitab entry ng United Architects of the Philippines (UAP) – Mindoro Chapter. Ito ang naging desisyon ng kanilang Board of Directors at General Membership, batay sa kanilang liham na ipinadala ngayong ika-19 ng Nobyembre 2025, dalawang araw bago ang opisyal na pagbubukas ng Salong Dagitab.
