November 18, 2025 | News by PISD

𝐏𝐎𝐏𝐒 𝐏𝐥𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔-𝟐𝟎𝟐𝟖: Gabay sa pagtitiyak ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan
18 Nobyembre 2025, Lungsod ng Calapan – Sinimulan na ang dalawang araw na planning workshop para sa pagbabalangkas ng Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan ng Oriental Mindoro para sa taong 2026-2028 na ginanap sa Mangyan Hall sa Kapitolyo ngayong araw.
Pinangunahan ng Provincial Planning and Development Office katuwang ang Department of the Interior and Local Government, ang gawain na nilahukan ng mga myembro ng Technical Working Group (TWG) ng POPS.
Ang POPS Plan ay isang tatlong-taong komprehensibong plano na magsisilbing gabay upang tugunan ang mga isyu kaugnay ng peace and order, kriminalidad, insureksiyon, ilegal na droga, public safety, at iba pang usaping pangseguridad sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
