November 18, 2025 | News by PISD

𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐲𝐮 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐤𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐩𝐥𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐦𝐨𝐭 𝐬𝐚 𝐎𝐌𝐂𝐃𝐇.
Humihingi po ng taos-pusong paumanhin ang Oriental Mindoro Central District Hospital hinggil sa kasalukuyang isyu ng kakulangan sa supply ng ilang klase ng gamot sa ating ospital.
Dahil sa patuloy na pagdami ng mga pasyenteng nagpapa-konsulta sa OPD, kasabay ng pagkalat ng mga viral infections, ay tumaas din ang pangangailangan sa ilang partikular na gamot. Ito po ang nagresulta sa limitadong availability ng mga gamot, kaya’t may ilang resetang gamot na hindi po agad naibibigay.
Sa ngayon po, naghihintay pa rin tayo ng karagdagang supply ng gamot na atin nang unang ni-request. Patuloy po naming ginagawa ang lahat upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng ating mga outpatients nang hindi naaapektuhan ang gamutan ng mga kasalukuyang naka-admit, na siyang ating pangunahing prayoridad upang masiguro ang kanilang tuloy-tuloy na paggamot at maiwasan ang paglabas ng ospital, lalo na sa gabi.
Lubos po naming nauunawaan ang inyong pangangailangan at pangamba ngunit sa ngayon ay hinihiling po namin ang inyong pang-unawa habang patuloy naming inaayos ang kakulangan sa supply. Makakaasa po kayo na gagawin namin ang lahat upang maibigay ang nararapat na serbisyo at maalagaan kayo nang buong dedikasyon hindi lamang sa OPD Kundi sa lahat ng serbisyong aming inihahatid.
