TJ Monterde, nagbigay-aliw sa mga Mindoreño

November 15, 2025 | News by PISD

𝗧𝗝 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗲𝗿𝗱𝗲, 𝗻𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆-𝗮𝗹𝗶𝘄 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗲ñ𝗼

15 Nobyembre 2025, Lungsod ng Calapan – Napuno ng halu-halong emosyon ang gabi ng pagdiriwang ng ika-75 araw ng lalawigan ng Oriental Mindoro nang awitin ni TJ Monterde ang kanyang mga awiting punung-puno ng emosyon at inspirasyon.

Taun-taon, inaabangan ng libu-libong Mindoreño ang Gabi ng Pagdiriwang sa Kapitolyo kung saan tampok ang pagtatanghal ng mga sikat at malalaking pangalan sa industriya ng musika.

Inabangan, pinilahan at tinilian ng mga dumalo sa libreng konsyertong handog ng Pamahalaang Panlalawigan si TJ Monterde, isang pamosong singer-songwriter sa bansa.

Bukod sa galing nitong kumanta, malakas din ang dating ng bawat likiro ng kanyang awitin na tumatagos sa damdamin ng mga manonood at kanyang tagapakinig.

Bukod sa kanya, nagbigay-saya rin ang ilang mga kilalang performer at musikero na sina Mitoy Yonting and The Draybers, Dustine Mayores at JK Kris Dantes.

Ang mainit na pagtanggap, masiglang pakikiisa at pagsuporta sa mga musikang Pilipino ay patunay lamang ng malalim na pagpapahalaga at pagmamahal sa musika ng mga mamamayang Mindoreño.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid036mC7ujqsABzWxXDic2RhuSbpz3o9rSM697gqZTg5W2o9TXoRCGjNPCq5u2vPFacfl?rdid=lhGBb3LqpqFVwVbl

Scroll to Top