November 15, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Kinaaliwan ng marami si Izumi A. Bae, isang Grade 2 pupil mula sa Lumangbayan Elementary School sa bayan ng San Teodoro dahil sa kahusayan nitong ipinamalas sa pagtatanghal kasama ang kanyang grupong Old Town Pride Drums and Glockenspiel Band sa Drums ang Glockenspiel Band Competition ngayong ika-15 ng Nobyembre.
Dahil nakita ni Gobernador Humerlito “Bonz” Dolor ang kanyang talento at husay, binigyan si Izumi ng Gob. ng P5K cash na pang-meryenda at ipinangakong anumang hilingin nito ay kanyang buong-pusong ipagkakaloob.
Bibigyan din siya ng bag na may kasamang kumpletong set ng school supplies at allowance bilang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa kanyang pag-aaral.
At higit na mapalad ang paaralan ni Izumi sapagkat ipinangako ni Gobernador Dolor ang Php. 5M tulong para sa pagpapatapos ng mga pagawain sa kanilang eskwelahan.
