November 15, 2025 | News by PISD

MARAMING SALAMAT SA PAGOD, SAKRIPISYO AT PAGLILINGKOD. ![]()
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tao sa likod ng matagumpay na pagdiriwang ng ika-75 taong pagkakatatag ng lalawigan.
Maraming salamat sa buong Provincial Tourism Office sa pangunguna ni Ginoong Dhon Calda sa pangunguna sa buong pagdiriwang simula umpisa hanggang huli. Grabe kayo mag trabaho. Saludo kami sa inyo!
Maraming salamat sa buong Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pangunguna ni Ginoong Vincent Gahol sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa lahat ng aktibidad. Iba kayo! Solid!
Maraming salamat sa buong Provincial Health Office (PHO) sa pangunguna ni Dra. Cielo Ante sa pagiging alerto at pagbibigay lunas sa mga nangangailangan sa lahat ng oras.
Maraming salamat sa buong Provincial General Services Office (PGSO) sa pangunguna ni Atty. Atty. Jean Phebie de Mesa sa pagpapanatili ng kalinisan at pagtulong simula umpisa hanggang huli.
Maraming salamat sa buong Provincial Engineering Office (PEO) sa pangunguna ni Engr Edylou Tejido. Walang imposible sa inyo.
Maraming salamat sa buong Provincial Information Office sa pangunguna ni Beverly Aguila sa pagbibigay impormasyon at pagpapalabas ng mga aktbidad sa publiko.
Maraming salamat sa buong Management Information Systems Office sa pagbibigay akses sa lahat ng ganap ng selebrasyon.
Maraming salamat sa buong Governor’s Office sa pangunguna ni Chief Nette Dalupan sa walang sawang suporta at pagmamahal.
Maraming salamat sa Philippine National Police, Bureau of Fire, CSD, tanod PSD, sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan ng lahat.
At sa lahat po ng mga in-charge sa mga aktibidad MARAMING MARAMING SALAMAT PO. Kulang ang pasasalamat sa lahat ng pagod at pawis ninyo.
