Animal Livestock Expo 2025, matagumpay na idinaos

November 14, 2025 | News by PISD

Mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office, lubos po kaming nagpapasalamat sa matagumpay na pagdaraos ng π˜Όπ™£π™žπ™’π™–π™‘/π™‡π™žπ™«π™šπ™¨π™©π™€π™˜π™  𝙀𝙭π™₯𝙀 2025 na bahagi ng Agri Fiesta noong nakaraang Nobyembre 12, 2025 sa Provincial Demo Farm, Merit, Victoria, Oriental Mindoro.

Sa mga sponsors at exhibitors, taos-pusong pasasalamat sa inyong paglahok, pagbabahagi ng mga produkto, serbisyo, at inobasyon na lubos na nagpasaya sa mga magsasakang MindoreΓ±o. Ang inyong presensya at pagpapahalaga ay malaking tulong sa pagbangon at patuloy na pagpapaunlad ng industriya ng paghahayupan sa aming lalawigan.

Sa mga facilitators at organizing team, isang malaking pasasalamat sa inyong dedikasyon, sipag, at mahusay na koordinasyon. Ang inyong propesyonalismo at malasakit ang nagsiguro na maayos at mahinahon ang daloy ng buong programa.

Gayundin ang pagpapasalamat sa Provincial Agriculture Office at lahat ng mga dumalo at aktibong nakilahok sa iba’t-ibang aktibidad. Ang tagumpay ng kaganapang ito ay hindi magiging posible kung wala ang inyong suporta, oras, at pakikiisa.

Hanggang sa muli nating pagkikita sa Animal/Livestock Expo 2026!

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0UioX7hMtfpCDCHpb2R65kcBN5UjvfQobtYXydTXrDy1f5cbKHp1DxJfSn2Bcr3z3l?rdid=od83rQk8oLinSN3L#

Scroll to Top