Porfirio G. Comia Memorial National High School, wagi sa SayAwit 2025

November 13, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Ang labing-apat (14) na mga contingents mula sa iba’t -ibang bayan sa lalawigan na nakipagtagisan ng husay sa SayAwit: Kwento ng ating Lalawigan.

Sa patimpalak na ito, tinanghal na grand champion ang contingent mula sa Porfirio G. Comia Memorial National High School sa bayan ng Naujan na tumanggap ng certificate, plaque at P100,000 cash prize at karagdagang P100,000 para sa kanilang paaralan.

First runner-up naman ang contingent no. 1 mula sa Oriental Mindoro National High School sa Lungsod ng Calapan na tumanggap ng certificate, plaque at P75,000 cah prize.

Samantalang 2nd-runner ang contingent no. 13 mula sa Leuteburo National High School sa bayan ng Socorro na tumanggap naman ng certificate, plaque at P50,000 cash prize.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0RwHAD1YpFjCquqvEXnd6PXixucdWbaE66JqH3jnSbTon5DwRDhnFj3TSvUucpiF8l?rdid=qZNiaJdpGPrGci2S#

Scroll to Top