PABATID SA PUBLIKO: Road Close Advisory

November 13, 2025 | News by PISD

🎴𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢: Pansamantala pong isasara ang ilang mga pangunahing kalsada sa Lungsod ng Calapan para sa pagdaraos ng iba’t ibang mahahalagang aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng ika-75 araw ng lalawigan ng Oriental Mindoro. ✨

Ito po ay sang-ayon na rin sa ibinigay na pahintulot ng Pamahalaang Panlunsod ng Calapan.

Narito po ang mga detalye:

▪️𝗜𝗸𝗮-𝟭𝟰 𝗻𝗴 𝗡𝗼𝗯𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 (𝗕𝘆𝗲𝗿𝗻𝗲𝘀) – mula 1:00 PM hanggang matapos ang aktibidad, isasara ang daan mula Ubas Street (Lalud Kaliwa) patungong Oriental Mindoro National High School (J.P. Rizal Street) para sa 𝗙𝗶𝗲𝘀𝘁𝗮 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗧𝗔𝗡𝗔 𝗦𝘁𝗿𝗲𝗲𝘁 𝗗𝗮𝗻𝗰𝗶𝗻𝗴 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝗦𝗵𝗼𝘄𝗰𝗮𝘀𝗲.

▪️𝗜𝗸𝗮-𝟭𝟱 𝗻𝗴 𝗡𝗼𝗯𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 (𝗦𝗮𝗯𝗮𝗱𝗼) – mula 8:30 AM hanggang matapos ang gawain, isasara ang J.P. Rizal Street mula Sto. Nino Cathedral patungong Provincial Capitol Grounds (Gov. Ignacio Street) para sa pagdaraos ng 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗱𝗮 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗺𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻.

▪️𝗜𝗸𝗮-𝟭𝟱 𝗻𝗴 𝗡𝗼𝗯𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 (𝗦𝗮𝗯𝗮𝗱𝗼) – mula 12:00 PM hanggang hatinggabi, isasara ang J.P. Rizal Street at Gov. Ignacio Street sa tapat ng Provincial Capitol para sa 𝗙𝗶𝗲𝘀𝘁𝗮 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗧𝗔𝗡𝗔: 𝗚𝗮𝗯𝗶 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗦𝘁𝗿𝗲𝗲𝘁 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗮𝘁 𝗙𝗶𝗿𝗲𝘄𝗼𝗿𝗸𝘀 𝗗𝗶𝘀𝗽𝗹𝗮𝘆.

Pinapayuhan po ang lahat ng mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta sa mga nasabing araw at mga nabanggit na kalsada.

Maraming salamat po sa pang-unawa.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid029b1Mr2HZna5S6CN2NZqNHKHJyYBpB89dxjZ2rrHXNXSR5PgC9mCPKW5MVJ65rJQel?rdid=D0G97RYNlWbpLp72#

Scroll to Top