November 13, 2025 | News by PISD

๐ ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐๐ฑ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ข๐ฟ๐ ๐ถ๐ป., ๐๐ฎ๐ด๐ถ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐บ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ ๐๐ฎ ๐๐ด๐ฟ๐ถ-๐๐ถ๐ฒ๐๐๐ฎ
13 Nobyembre 2025,Victoria – Wagi ang maraming magsasaka at mangingisda mula sa ibaโt ibang bayan sa Oriental Mindoro sa mga patimpalak na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Agri-fiesta sa Merit, Victoria.
Sa parada ng mga lechon kung saan ipinakita ng bawat bayan ang pagiging malikhain upang gawing higit pang katakam-takam ang tradisyunal na pagkaing ito tuwing may pagdiriwang, nasungkit ng Pola ang unang pwesto, na sinundan ng Bongabong sa ikalawang pwesto, at San Teodoro sa ikatlong pwesto.
Gayundin, kampeyon ang mga magsasaka at mangingisda mula sa Gloria sa pagluluto ng masarap na putaheng gamit ang kanilang mga pananim at huling isda sa Kusina ng Magsasaka at Mangingisdang Mindoreno Contest. Pangalawang pwesto dito ang Pola, at ikatlong pwesto naman ang Lungsod ng Calapan.
Samantala, isang masayang sukatan naman ng mga bungang pananim ng mga magsasaka sa lalawigan ang naganap sa โPinakaโ Contest – Crops Category, kung saan wagi ang Pinamalayan bilang may Pinaka-mahabang pinagdugtong-dugtong na gulay.
Itinanghal din ang San Teodoro bilang may Pinaka-mabigat na kalabasa, Naujan na may Pinaka-mabigat na niyog, Lungsod ng Calapan na may Pinaka-malaking kalamansi, at bayan ng Roxas na nakapagpakita ng Pinaka-malaking saging na saba.
Sa โPinakaโ Contest – Fish Category naman, nagwagi ang Lungsod ng Calapan sa may Pinaka-mahabang isda.
Idineklara naman na Pinaka-mabigat ang isdang Tilapia mula sa Baco at Lapu-lapu mula sa Gloria, at Pinaka-malaking alimango ng Pola at sugpo mula sa Naujan.
Sa nakakaaliw na palarong Amazing Race (Pukpok -Palayok, Palay-Hatid, Net Mending, Identification of Seeds), nanguna ang bayan ng Gloria na sinundan naman ng bayan ng San Teodoro.
Sa kabuuan ng pakikilahok ng mga bayan at lungsod sa Agri-Fiesta, itinanghal na Best Performing LGU ang bayan ng Pola, na sinundan sa ikalawang pwesto ng bayan ng Gloria, at San Teodoro sa ikatlong pwesto.
Nag-uwi ang bawat bawat nanalong LGU ng cash prize sa kanilang mga napanalunang patimpalak, habang nakatanggap din ng consolation prize ang mga hindi nagwagi bilang pagkilala sa kanilang paglahok.
Sa gawaing pinangasiwaan ng Provincial Agriculturist’s Office – Oriental Mindoro (PAgO), itinatampok at pinahahalagahan ang malaking ambag ng mga magsasaka at mangingisdang Mindoreรฑo sa pag-angat ng ekonomiya ng lalawigan bilang mga tagapagtaguyod ng agrikultura – ang pangunahing sektor na bumubuhay sa karamihan sa mamamayan ng Oriental Mindoro.
