November 11, 2025 | News by PISD

TINGNAN: Muling nagpapatuloy ngayong hapon ang ikalawang araw sa serye ng Committee Hearing para talakayin ang 2026 Annual Budget ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.
Sa pangunguna pa rin ng 12th Sangguniang Panlalawigan, partikular ang Committee on Provincial Planning, Budgeting and Accounts na pinamumunuan ni Bokal Ryan Z. Arago, tatalakayin naman sa pagkakataong ito ang pondong ilalaan sa mga programa at proyekto para sa susunod na taon ng mga tanggapan na nasa ilalim ng Social Services Sector, partikular ang mga ospital sa lalawigan at Other Services Sector.
Personal pa ring pinangungunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, ang presentasyon ng mga detalye ng mga panukalang laang gugulin, katuwang ang mga hepe ng nasabing tanggapan.
