November 12, 2025 | News by PISD

Ibinaon na sa Barangay Guinobatan ang nasa 793 kilo ng iligal na karne na nasabat sa Calapan City Port kahapon.
Pinagunahan ito ng mga kawani ng Provincial Veterinary Office (ProVet), National Veterinary Quarantine Services (NVQS), Philippine Coast Guard (PCG), at PNP Maritime City Veterinary Services Department
Ayon kay Acting Provincial Veterinarian Dr. Alfredo Manglicmot, ang “hot meat” ay tinatayang nagkakahalaga ng hindi bababa sa P350,000.00.
Alinsunod proper disposal method ng Department of Agriculture Administrative Order No. 05 series of 2019, itiniyak ng mga magkakatuwang na ahensya ang paghuhukay ng tamang lalim ng lupa gamit ang back hoe at ang paglalagay ng disinfectant sa karne bago ito tabunan.
Aniya pa, kasalukuyan nang inihahanda para sa pagdulog sa Calapan City Prosecutor’s Office ang mga kasong isasampa laban sa mga personalidad sa likod ng pagbibiyahe ng mga nabanggit na iligal na karne.
Batay sa naunang panayam sa driver, ipinadala ito sa pamamagitan ng Lalamove papuntang Divisoria sa Maynila na idi-deliver sana sa isang palengke sa Lungsod ng Calapan. Nakita rin na ang mga kahon ng karne ay isiningit lamang sa pagitan ng ibang kargamento at hindi sa angkop na reefer van na may kinakailangang temperatura para rito.
Ito ay paglabag sa umiiral na #Provincial Ordinance No. 118 series of 2020 o Veterinary Quarantine Ordinance of Oriental Mindoro gayundin sa Republic Act 10536 o “Amended Meat Inspection Code of the Phils”, Department of Agriculture (DA) Administrative Order No. 05 series of 2019 na nagtatakda ng Guidelines on the Local Transport/Shipment of Animals, Animal Products and By-products, at iba pang issuances na kasalukuyang ipinatutupad sa lalawigan.
: Provincial Veterinary Office
